Wider (Mas malawak)
Cee
3:04 AM
| Benguet Mountain Range (taken using an iPhone 4S from the College of Veterinary Medicine Building of Benguet State University). |
Bawat hakbang na pasulong
Tila ba tayo'y lulong
Sa pangarap na bunga ng kahapon
At sa pag-asang hinaharap lang ang makatutugon
O patuloy nating panindigan
Itong tawag ng katauhan
Pagyamaning walang hanggan
Ang nilalaman ng isipan
Pagtigil ay walang puwang
Kung ayaw maging mangmang
Panatilihing walang hadlang
Ang paglawak ng kaalaman
